33
Neymar pinagbintangang rapist
Jun 2, 2019 @ 18:21
By

Neymar pinagbintangang rapist

Inirereklamo si Brazilian soccer star Neymar ng panggagahasa ng isang ‘di nagpakilalang babae ayon sa dokumento ng local police.

Saad sa dokumento, nangyari umano ang insidente noong Mayo 15, bandang alas-8:20 ng gabi sa isang hotel sa Paris.

Nagkakilala umano ang babae at si Neymar sa social media app na Instagram at nang magkamabutihan ay dinala siya sa isang hotel at dito nilasing.

Saad ng babae na nagsimula lang sa hawakan, ngunit bigla raw naging bayolente si Neymar at pinilit umano siyang makipagtalik.

Tikom naman ang bibig ng mga representative ni Neymar, ngunit ayon sa kanyang tatay na si Neymar da Silva Santos ay walang umanong kasalanan ang kanilang anak at hindi totoo ang bintang na panggagahasa.

Saad ni Santos, may relasyon umano ang kanyang anak at ang babaeng nagreklamo at na-blackmail lang umano ng abogado nito matapos ang break-up ng dalawa.

“This is a tough moment. If we can’t show the truth quickly it will be a snowball. If we have to show Neymar’s WhatsApp messages and the conversations with this lady, we will,” ayon sa ama ng Brazilian athlete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?