126

Jan 21, 2019 @ 11:30
By

Next president! Ces Drilon kinakampanya si Pacquiao?

Matapos manalo ni Manny Pacquiao kontra kay Adrien Broner para mapanatili ang WBA welterweight title, kakaiba ang naging congratulatory message ng batikang journalist na si Ces Oreña-Drilon.

Sa kanyang Twitter account (@cesdrilon), inihayag ni Drilon na para sa kanya, si Pacquiao umano ang ‘the next President’.

Dahil sa nasabing post, marami ang napakomento na tila hindi pabor sa tinuran lalo pa’t kilala itong mamamahayag.

Kaagad namang dumepensa si Drilon, sinabing ‘irony’ o biro lamang ang nasabing tweet.

Sa naging post-interview kay Pacquiao nitong Linggo matapos ang laban, kanyang inilahad na wala pa sa kanyang balak ang pagtakbo bilang presidente.

“To become a president, I don’t have that in my mind right now,” saad ng ‘Pambansang Kamao’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?