329

By

Next Nowitzki? Kai Sotto matinik na sa tres

Tila nagbubunga na ang training ni Kai Sotto sa Amerika sa bagong training video kasama ang kilalang trainer na si Nick Stapleton.

Sa 14 minute video, makikita kung paano madaling ipasok ng 7-foot-2 ang mga mid range shot, maging ang mga one-legged fadeaway na pinauso ni Dallas Mavericks legend Dirk Nowitzki.

Pati mga tres ay regular na ring naibubutas ng 17-anyos na manlalaro, dahilan para mas lalong katakutan sa opensa.

Matatandaan na may mga offer sa Europa para kay Kai at pinag-iisipan pa kung tutungo doon para maglaro.

Samantala, inaasahan ang pagbabalik sa bansa ng tinaguriang ‘Kaiju’ para sa Fiba U-19 World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?