45

Jun 19, 2021 @ 17:14

Nexplay Esports, magbabagong-anyo

Inanunsyo nitong Sabado ang mas pinaangas na Nexplay Esports matapos ang kanilang partnership sa EVOS Esports.

Kaya naman sa umpisa ng MPL Season 8, sila na ngayon ay tatawaging EVOS-NXP.

Hindi pa lubos na pinangalanan ang mga bumubuo sa koponan, ngunit ang mga inanunsyo lamang ay sina coach Setsuna ‘Dogie’ Ignacio,, John Paul ‘H2wo’ Salonga, Renejay ‘RENEJAY’ Barcarse at Tristan ‘Yawi’ Cabrera.

Minsan ng sumali sa MPL-Philippines ang EVOS ngunit nilisan nito ang liga pagkatapos ng Season 4, kung saan ang ilang kasama sa lineup nila noon nina Kristoffer ‘BON CHAN’ Ricaplaza, at Dexter ‘DEX STAR’ Alaba ay nasa Blacklist International na ngayon.

“This partnership is formed mainly because of our vision together. For Nexplay, our mission is about helping gamers succeed alongside EVOS’ vision of making dreams a reality for a lot of gamers,” wika ni Nexplay CEO at founder Gabriel Benito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?