39

By

Newsroom sa Amerika niratrat, 5 patay

Sharing is caring!

Lima katao ang namatay habang tatlo pa ang sugatan sa pamamaril sa opisina ng isang pahayagan sa Maryland.

Nangyari ang insidente sa tanggapan ng Capital Gazette newspaper sa Annapolis.

Ayon sa report, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Jarrod Ramos, 38, ng Laurel, Maryland at kinasuhan na umano ito ng limang bilang ng murder.

Nadiskubre rin umano ang isang hinihinalang pampasabog sa lugar.

Sa tweet ng reporter ng Capital Gazette na si Phil Davis, pinagbabaril ng salarin ang salaming pintuan ng opisina saka pinaulanan ng bala ang mga empleyado sa loob.

Kabilang sa mga namatay sa insidente sina Rob Hiaasen, 59, assistant managing editor ng pahayagan; Gerald Fischman, page editor; Wendi Winters, features reporter; John McNamara, reporter; at Rebecca Smith, sales assistant.

Kasalukuyan pa lang umanong iniimbestigahan ang motibo sa pag-atake pero ayon kay Anne Arundel county acting police chief Bill Krampf, matagal nang may galit ang suspek sa pahayagan dahil sa paglabas ng istorya tungkol sa harassment laban sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?