417

Dec 27, 2017 @ 17:23

Newsmakers of the Year: Maine, Kris, John Lloyd-Ellen, Sharon, Xander, Jake eksenador ng 2017!

FOUR days na lang at goodbye 2017 at hello 2018 na! At sa pagtatapos ng 2017, ano-ano nga ba ang mga eksenang naganap sa showbiz?

Sino-sino nga bang artista, celebs, ang nag-ingay, umeksena, pinag-usapan ngayong 2017? Paano nga ba nila dinomina ang mga pahina ng diyaryo, social media, at pati na ere ng TV at radio?

Heto ang napili ng Abante Tonite na mga artista, celebs na nagmarka nang husto ngayong 2017:

 

1. MAINE MENDOZA

GUMAWA siya ng sariling balita kaya naging newsmaker. Umani ng sari-saring reaksyon ang open letter niya sa AlDub fans na naging dahilan para hindi siya mapanood sa Eat Bulaga. May dalawang version ang pagkawala niya sa Eat Bulaga, una ay nagbakasyon sa Amerika at pangalawa, sinuspinde raw siya dahil sa kanyang lengthy open letter sa AlDub fans at sa pag-amin na magkaibigan lang sila ni Alden Richards na ikinasira ng ilusyon ng kanilang loyal fans. (Jojo Gabinete)

Na-link siya sa ibang Kapuso star tulad ni Sef Cadayona, pati na kay Jake Ejercito. Maraming artista ang naka-relate kay Maine. Ang fans, may mga nakaunawa sa kanya, pero marami rin ang nainis at patuloy na umaasang magkakatuluyan sila ni Alden.

Dahil din sa ginawa ni Maine, nagkagulo ang AlDub sa social media, nag-rally ng dalawang beses sa Broadway. (Rose Garcia)

 

2. KRIS AQUINO

KAHIT walang television show, newsmaker pa rin ng 2017 si Kris dahil pinag-uusapan ang mga nangyayari sa buhay niya na siya rin ang nag-uumpisa at nagbabahagi sa kanyang social media followers. Gumagawa ng sariling ingay si Kris para manatiling relevant sa entertainment industry tulad ng pakikipag-usap niya kay Willie Revillame para sa isang possible collaboration project na naging imposible dahil sa kanyang paniniwala na may kinalaman ang pagiging Aquino niya. (Jojo Gabinete)

 

3. JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

MULA nu’ng lumabas ang video ni John Lloyd Cruz sa social media kung saan ay nasa Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu ito kasama si Ellen Adarna at in-upload ng kaibigan ni Ellen, naging isang malaking balita o isyu na ito. Marami ang nag-abang sa mga pino-post nila sa social media. Hanggang sa ikinagulat ng marami ang pagti-take ng indefinite leave ni John Lloyd sa ABS-CBN, kabilang ang kanyang regular sitcom na Home Sweetie Home. Nagbakasyon sa Switzerland na walang anumang schedules o trabahong iniisip at ngayon nga, ang balitang buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Hanggang ngayon, inaabangan pa rin kung ano na ang mga susunod na mangyayari. Marami ang nag-aabang kung kailan tuluyang tutuldukan ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave. (Rose Garcia)

 

4. SHARON CUNETA

GAYA ni Kris Aquino, pinag-uusapan ang mga Facebook rant niya pero sa negatibo at hindi sa positibo na paraan. Pero, positive ang mga reaksyon tungkol sa pagpayat ni Sharon. (Jojo Gabinete)

Ginulat ni Sharon ang fans sa pagsabi niya na depressed siya at mas ang tungkol sa kesyo wala na siyang pera. Pero kung yaman din lang, siguradong hindi ito mawawalan.

Hindi pa rin mamatay-matay ang isyung hiwalay na sila ni Senator Kiko Pangilinan. Walang direktang pagtanggi o pag-amin, pero ang magkasunod na pagpo-post nilang magkakasama ng buong pamilya ay ipinagpapalagay na sagot nila sa isyu. (Rose Garcia)

 

5. MOCHA USON

NEWSMAKER ang singer at Presidential Communications Operations Office assistant secretary na si Mocha Uson na paboritong i-bash ng mga anti-Duterte dahil sa mga post niya sa kanyang Facebook account. Mananatili si Mocha na newsmaker hangga’t may mga basher na nakabantay sa bawat kilos at mga social media post niya. (Jojo Gabinete)

All year round ang pag-iingay ni Mocha. Bawat batikos sa Presidente, may reaksyon siya. Patuloy rin sa pagdami ang mga nakakabangga niya pagdating sa magkaibang opinyon. Ilan sa mga ito ay si Jim Paredes at maging si Mariel de Leon. Iniugnay rin siya sa fake news. (Rose Garcia)

 

6. JOEY DE LEON AT MARIEL DE LEON

DALAWANG beses pinag-usapan si Joey de Leon ngayong 2017. Una nang nagbigay siya ng komento tungkol sa depression. Isang bagay na sinalungat ni Maine Mendoza. Marami ang bumatikos sa diumano ay insensitibong komento na ito ni Joey. Maging ang kanyang mga anak. Humingi rin ng tawad si Joey at nag-self-discipline at siya na mismo ang tila nag-suspend ng ilang araw na hindi lumabas sa Eat Bulaga.

Nasundan pa ito ng post niya tungkol sa dead sea kasabay naman ng pagluluksa ng buong It’s Showtime sa pagkamatay ni Hashtag member Franco Hernandez dahil sa pagkalunod. (Jojo Gabinete)

Pasok din si Mariel de Leon, dahil mula sa panalo bilang Binibining Pilipinas-International, napahamak siya sa matatapang niyang opinyon na ang ilan sa nakabangga niya ay sina Mocha at Sara Duterte. At siyempre ang pagkatalo niya sa Miss International. (Rose Garcia)

 

7. ALESSANDRA DE ROSSI AT EMPOY MARQUEZ

GINULAT ng bagong tambalang AlemPoy ang lahat nu’ng maging box-office hit at maituturing na highest grossing indie film ang pelikula nilang KITA KITA. Dahil dito, parehong inulan ng offers sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Binago nga raw nila ang trend ng loveteam at si Empoy bilang leading man. (Rose Garcia)

Kumita man ng more than P300 million gross ng kanilang blockbuster movie na Kita Kita, hindi ‘yon na-duplicate ng mga sumunod at magkahiwalay na pelikula nila. (Jojo Gabinete)

 

8. XANDER FORD AT JAKE ZYRUS

HINDI halos pamilyar at marami talaga ang hindi nakakakilala kay Xander Ford bilang si Marlou Arizala. Pero nang magparetoke, bigla itong nag-ingay. Halos lahat ay nagtanong, sino si Xander Ford? Marami ang na-curious sa transformation niya at ang pagiging most Googled and searched star niya ay malaking pruweba na newsmaker siya. Nag-ingay rin siya dahil sa pagkakasangkot niya sa ilang negative issues, una sa KathNiel at maging kay Kris Aquino. (Rose Garcia)

Si Jake Zyrus naman, patuloy ang pagiging newsmaker dahil sa paglantad na siya ay transgender at pagpalit ng pangalan mula Charice Pempengco tungo sa Jake Zyrus ngayon. Hindi rin matapos-tapos ang isyu nilang mag-ina o mag-anak. (Rose Garcia)

 

9. WINWYN MARQUEZ AT PIA WURTZBACH

SINORPRESA ni Winwyn Marquez ang lahat, lalo na ang mga beauty pageant aficionados nang manalo siya sa Reina Hispanoamericana na ginanap sa Bolivia. Unang taon na sumali ng Pilipinas at naiuwi pa ni Winwyn ang korona. Bumagay nga kay Winwyn ang pangalan niya. (Rose Garcia)

Unang taon na sumali ng Pilipinas at naiuwi pa ni Winwyn Marquez ang korona. Bumagay nga kay Winwyn ang pangalan niya. (Rose Garcia)

Si Pia Wurtzbach, kahit dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapanalunan niya ang Miss Universe crown, newsmaker pa rin siya dahil hindi pa nawawala ang interes ng publiko sa kanya, kahit hindi siya pumapatol sa mga intriga at kontrobersya tulad ng pagkakaroon ng kambal na anak ng boyfriend niya na si Marlon Stockinger. (Jojo Gabinete)

 

 

10. BELO-KHO AT COCO MARTIN

NEWSMAKERS sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. na hindi na active sa showbiz pero talk-of-the-town ang kanilang enggrandeng kasalan sa Paris noong September 2, 2017. (Jojo Gabinete)

May karapatan din si Coco Martin na isama sa listahan ng mga newsmaker ng 2017 dahil dalawang taon nang namamayagpag ang primetime program niya sa ABS-CBN, ang Ang Probinsyano na patuloy na sinusuportahan ng televiewers.

Positive na positive ang image ni Coco na newsmaker dahil sa reinvention na ginagawa niya sa sarili. Mula sa pagiging indie actor, big star na si Coco na direktor at producer na ngayon ng kanyang pelikula na official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival, ang Ang Panday. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?