fire2

Newsboy sinunog ang bahay ng among dealer, kalaboso

Sharing is caring!

Kulungan ang kinabagsakan ng isang 63-anyos na nagbebenta ng diyaryo matapos nitong sunugin ang bahay ng kanyang dealer dahil sa itinago nitong galit sa ‘di nabayarang benepisyo niya.

Nagbuhos ng turpentine si Neil Hitchin sa letterbox ng kanyang amo na si Adrian Watts, alas-dos ng madaling-araw at pinagningas ito.

Tulog nang mga oras na ‘yun ang mag-asawang Watts, 60, at Caroline, 59, pero nakatakas matapos tumunog ang smoke alarm na naggising sa kanila.

Nakatakas sila sa pamamagitan ng pag-akyat sa itaas na lagusan ng kanilang bahay at nakatakbo patungong shop nila sa Waterfoot, Lancashire.

Matapos makatakas, nadiskubre ni Watts na ang empleyado niyang si Hitchin ang may kagagawan ng sunog sa pamamagitan ng CCTV.

Makukulong si Hitchin ng tatlo’t kalahating taon sa kasong arson matapos nitong aminin ang ginawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?