9

May 4, 2021 @ 16:41
By

news – COVID cases

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 5,683 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Martes, Mayo 4.

Dahil dito, pumalo na sa 1,067,892 ang mga naitalang kaso ng virus sa bansa. Nasa 66,060 naman sa kasalukuyan ang active cases.

Sa mga aktibong kaso, 94.6% ang mild cases, 1.5% ang severe, 1.2% ang critical at 1.7% naman ang mga asymptomatic.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 9,028 new recoveries habang 97 naman ang nadagdag sa mga nasawi.

Sa ngayon ay 984,210 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at 17,622 naman ang bilang ng mga nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?