485

By

Newcomer Jane De Leon bagong Darna!

Matapos ang paglisan ni Liza Soberano sa reboot ng classic Pinoy franchise, mayroon nang bagong lulunok ng bato at sisigaw ng Darna!

Nitong Miyerkoles ay inanunsyo na si dating Girltrend member Jane de Leon ang napiling gumanap bilang susunod na heroine sa Darna reboot ng Star Cinema.

Matatandaan na ilang buwan ding nagpa-audition ang bago makahanap ng bagong star na papalit kay Liza.

Bago pa lang sa industriya si Jane, nakilala matapos lumabas sa hit Kapamilya serye na ‘Halik’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?