24

May 29, 2020 @ 14:34
By

New Zealand walang bagong COVID case sa 1 linggo

Isang linggo nang walang naitalang bagong kaso ng novel coronavirus sa New Zealand.

Mayo 21 nang umabot sa 1,504 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong nahawa sa COVID-19 doon.

Walang bagong kaso roon hanggang ngayong Biyernes, ayon sa New Zealand Ministry of Health sa ulat ng Radio NZ.

Na-discharge na rin mula sa Auckland area hospital ang huling coronavirus patient doon, ayon sa mga opisyal sa isang press briefing noong Mayo 27.

Wala ring naitalang bagong pagkamatay mula sa virus sa NZ.

Sa ngayon, pwede nang magtipon doon ang hanggang 100 katao.

“Going hard and early [with lockdown measures] has paid off for the economy, and now we need to just continue the level of vigilance that has got us here,” sambit ni Prime Minister Jacinda Ardern sa isang press conference.

“We are still in a global pandemic. Cases continue to grow overseas, and we do still have people coming home, but for the most part, many aspects of life can and should feel much more normal,” aniya pa.

Nagsara ng mga border ang New Zealand noong Marso 19 at nag-utos ng mahigpit na stay-at-home order sa parehong linggo.

Pebrero 28 naitala ang una nilang COVID-19 case, ayon sa tracker ng Johns Hopkins University.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?