12

Mar 5, 2021 @ 18:54
By

New Zealand niyanig ng magnitude 8.1

Tatlong magkakasunod na lindol ang tumama sa New Zealand nitong Biyernes.

Ayon sa CNN report, tumama ang magnitude 8.1 na lindol sa Kermadec Islands region bandang alas-3:28 ng madaling-araw, ilang oras matapos ang 7.4 quake malapit sa isla at 7.1 sa North Island coast.

Nagdulot ito ng paglalabas ng tsunami warning.

Kinahapunan ay ibinaba na ang tsunami warning sa “beach and marine threat”, ibig sabihin ay maaari nang bumalik sa kani-kanilang bahay ang mga inilikas.

Pero pinalalayo pa rin ang mga tao sa mga beach, baybayin at ilog dahil maaaring magpatuloy ng maraming oras ang malalakas at pagtaas ng mga alon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?