52

Apr 28, 2020 @ 9:33
By

New Zealand ‘nanalo’ vs. COVID

Ayon kay New Zealand’s Prime Minister Jacinda Ardern, napagwagian na nila “sa ngayon” ang coronavirus, kaya nagluwag na sila sa mga paggalaw sa bansa.

“There is no widespread undetected community transmission in New Zealand. We have won that battle,” wika ni Ardern, Lunes.

“But we must remain vigilant if we are to keep it that way,” aniya pa.

Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NZ mula Abril 5, nang ianunsiyo ang 89 nagpositibong kaso.

19 katao pa lang ang pumanaw, 1,469 ang nahawa, at 1,180 ang gumaling sa coronavirus sa New Zealand, na may populasyong 5 milyon.

Noong Lunes din dineklara ni Ardern ang COVID-19 alert sa bansa mula level 4 patungong level 3.

Ibig sabihin, karamihan sa mga negosyo–ang mga pwedeng maging “contactless”–ay pinayagan nang muling magbukas.

Mananatili pa rin aniyang sarado ang mga trabaho na nangangailangan ng face-to-face contact, gaya ng mga gym at pagupitan. Exempted dito ang supermarket, dairy, petrol station, botika o permitted health service.

Pwede rin umanong mamili ang mga magulang kung papapasukin sa eskwela ang kanilang mga anak o patuloy lang ang pag-aaral sa bahay.

Samantala, bawal pa rin ang mga pampublikong pagtitipon.

“Stay home. If you are not at work, school, exercising or getting essentials, then you must be at home, the same as at level 4,” paalala pa ng Prime Minister.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?