37

Mar 23, 2020 @ 16:07
By

New Zealand nagpatupad ng lockdown kontra coronavirus

Inutos ng New Zealand ang pagpapatulad ng apat na linggong lockdown upang malabanan ang pagkalat ng coronavirus at maiwasan ang pagkamatay tulad ng nararanasan sa ibang bahagi ng mundo, ayon kay Prime Minister Jacinda Ardern.

Ayon sa opisyal, nakapagtala na sila ng 102 kaso at wala pang death toll. Gayunman, kinakailangan umanong magsagawa pa ng hakbang kasunod ng pagkalat ng virus sa kanilang mga mamamayan.

“If that happens unchecked, our health system will be inundated and tens of thousands of New Zealanders will die,” ayon kay Ardern.

Aniya, ang pagpapatupad ng nationwide lockdown ay simple pero epektibong paraan para makontol ang virus.

Sa susunod umanong 48 na oras, aakyat na sa COVID-19 alert level four ang kanilang bansa. Ibig sabihin nito magsasara ang mga paaralan at ibang negosyo at mananatili sa kanilang mga bahay ang mga residente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?