57
New Zealand nag-lockdown, Phil Embassy bukas sa mga nais umuwi ng 'Pinas
Mar 31, 2020 @ 16:16
By

New Zealand nag-lockdown, Phil Embassy bukas sa mga nais umuwi ng ‘Pinas

Itinaas na ng New Zealand Government sa alert level 4 at nagpatupad ng lockdown kaugnay ng banta ng COVID-19.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa New Zealand, nakatatanggap na ang mga ito ng mga request para sa repatriation mula sa ating mga kababayan na stranded pa rin sa New Zealand, French Polynesia, Fiji, at Cook Islands.

Ayon sa Embahada, ang mga nais bumalik sa Pilipinas ay kinakailangan lamang na mag-fill up ng form.

Agad naman anilang tutugunan ang mga ito.

(ARMI RICO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?