11

Aug 5, 2020 @ 14:49
By

New Zealand may 2 COVID-19 case na uli, galing sa ‘Pinas

Matapos ang ilang linggong walang coronavirus patient, naitala sa New Zealand ang dalawang bagong COVID-19 case na parehong nagmula sa Pilipinas.

Sa media release ng New Zealand Health Ministry, Agosto 5, sinabi na ang unang pasyente ay isang edad 20s na lalaki na dumating sa NZ noong Hulyo 23, mula sa Pilipinas via Hong Kong.

Una itong in-isolate sa Rydges, Rotorua at nagnegatibo sa virus noong day 3. Nilipat ito sa Auckland quarantine facility matapos magpositibo sa COVID-19 sa day 12 ng isolation nito.

Ang ikalawang kaso naman ay isang edad 40s na babae na dumating sa NZ noong Agosto 1, mula rin sa Pilipinas via Hong Kong.

Naka-isolate ito sa Grand Millennium, Auckland at nagpositibo sa virus noong day 3 ng pananatili roon.

“It has been 96 days since the last case of COVID-19 was acquired locally from an unknown source,” ayon sa NZ Health Ministry.

“There is no one in New Zealand receiving hospital-level care for COVID-19,” dagdag nito.

Dahil dito, ang kabuuang bilang na ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa sa 1,219.

Ang mga active case naman sa NZ ay 24.

Samantala, nakapagproseso na sila ng COVID-19 test ng halos 10 percent (477,909) ng 4.8 milyon nitong populasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?