34

Feb 23, 2020 @ 16:01
By

New Zealand maghihigpit sa vaping

Sa New Zealand, balak ipagbawal ang mga ad tungkol sa e-cigarette, maging pagbebenta nito sa mga menor de edad.

Bukas, Pebrero 24, ihahain sa parliament ang naturang panukala, na kasunod ng serye ng mga napaulat na pagkamatay at pagkakasakit sa Amerika dahil sa vaping.

“We are making sure that we are protecting our kids but at the same time ensuring that smokers who want to use vaping as a quit tool still have access to those products,” wika ni Associate Health Minister Jeny Salesa sa state media TVNZ.

Layon din nitong i-ban ang mga e-cigarette at smokeless tobacco sa mga smoke-free na lugar, limitahan ang mga pwedeng magbenta nito, at bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno upang suspindehin ang mga e-cigarette.

Nakasaad din sa panukala na lilimitahan sa tatlong flavor (tobacco, mint, at menthol) ang mga e-cigarette na pwedeng ibenta sa mga tindahan gaya ng convenience store.

Ayon sa datos ng mga awtoridad, nasa kalahating milyon ang mga regular smoker sa New Zealand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?