125

Dec 29, 2017 @ 15:36

New Year storm magpapaulan sa Visayas, Mindanao – PAGASA

Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang maulap na papawirin sa silangan ng Mindanao na maaaring maging isang low-pressure area (LPA) at pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bago ang Bagong Taon.

Ayon sa weather bureau, maaaring pumasok sa Sabado o sa Linggo, Disyembre 31 ang LPA.

Sakaling maging tropical depression ay tatawagin itong ‘Wilma’ kung papasok ng Disyembre 31 at ‘Agaton’ naman kung tatama ng Enero 1, 2018 na unang bagyo ng bagong taon.

Magdadala ng mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan sa CARAGA region at ilang parte ng Visayas at Mindanao ang LPA sakaling pumasok sa PAR, ayon pa sa PAGASA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?