16

Jan 15, 2021 @ 15:54
By

New Manila International Airport gawa na sa 2025

Bubuksan na ang New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan sa taong 2025 ayon kay0. (SMC) president Ramon Ang.

Inanunsyo ito ni Ang kapon sa opisyal na pagbubukas ng Skyway stage 3.

Aniya, sinimulan na ang paggawa ng naturang airport sa Bulakan, Bulacan.

Taong 2019 nag pormal na igawad ng Department of Transportation ang kontrata ng paggawa ng NMIA sa San Miguel Holdings Corp, ang infrastracture unit ng SMC.

Ayon sa ulat, may laking 2,500-hectare ang naturang airport na nagkakahalaga ng P740 bilyon.

Bukod dito, sinisimulan na ring gawin ang Pasig River Expressway na inaasahang matapos sa taong 2023.

Tatapusin na rin ngayong taon ang Skyway Extension project na nag-uugnay sa Skyway, Susana Heights at Muntinlupa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?