82

Sep 14, 2021 @ 16:50

Neutral o maka-Marcos? Netizens hati kay Toni

Nag-ala Moses si Toni Gonzaga na humati sa ‘Red Sea’ ng Twitter kaugnay ng kanyang panayam kay dating senador Bongbong Marcos sa kanyang YouTube Channel.

Ito ay dahil hati ang reaksyon ng netizens sa video.

Para sa ilan, naging ‘neutral’ naman si Toni dahil may panayam na rin siya kay Bise Presidente Leni Robredo.

“Toni Gonzaga is getting attacked by wokes for interviewing BBM. In the early 90’s, Kris Aquino interviewed BBM and she didn’t get the same backlash,” tweet ni @sassrogando.

Bukod dito, may karapatan din umano si Toni na magpasya kung sino ang guest niya dahil channel niya iyon.

“Toni Gonzaga launched Toni Talks and you subscribed without her telling you to do so. And now you want to filter her contents. You also want to control what her guests would answer. What are you? A dictator? Oh i forgot, y’all hate that word,” ayon kay @stylebyadriel.

Ngunit iba ang nakikita ng ibang netizen, lalo pa’t ninong umano ni Toni sa kasal si Marcos.

“Toni Gonzaga was never neutral. Having Blingblong as your ninong doesn’t sound so neutral to me. She’s definitely chosen a side a long time ago,” pahayag ni @mayeebarredo.

“Sabi ng mga DDS tungkol sa interview ni Toni kay BBM: It’s Toni’s channel. She can talk to anyone she wants,” pahayag naman ni @ogie_rosa.

“And this is my Twitter wall. I can criticize anyone I want.”

“And I can say anything I want, too: GINAMIT LANG NI TONI SI VP LENI TO MAKE IT SEEM HER PLATFORM IS NEUTRAL,” dugtong pa nito. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?