26

Nov 17, 2021 @ 15:46
By

Nets tambak sa Warriors

Nagliyab sa third quarter ang Golden State Warriors upang pataubin ang Brooklyn Nets, 117-99, ngayong Miyerkoles.

Dikit ang first half ngunit bigla na lamang nag-init sa third quarter ang Warriors kung saan bumuhos sila ng 35 points kumpara sa 18 ng Nets.

At nang makuha ng Golden State ang komportableng lamang ay hindi na ito bumitaw pa.

Muling bumida para sa Warriors si Steph Curry na may 37 points at pitong rebounds, habang tatlo pa sa kanyang mga kakampi ang umiskor sa double digits.

Samantala, nalimitahan naman si Kevin Durant sa 19 points, at hindi nabuhat ng 24 points ni James Harden ang Nets.

Patuloy na hawak ng Warriors ang liderato sa Western Conference sa kanilang 12-2 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?