271

Sep 11, 2021 @ 17:08
By

Netizens windang sa laki ng iginanda ni Lyca

Nagulat ang mga netizen kay “The Voice Kids” Season 1 grand champion Laica Gairanod dahil ang laki ng na-improve sa itsura nito.

Makikitang dalagang-dalaga na si Lyca at ang laki ng iginanda niya mula sa pagiging musmos noon.

Maliban sa pagiging singer at vlogger ay beauty product endorser na rin siya.

Mayroon siyang 1.7 million followers sa Facebook.

Nag-trending ang interview sa kanya ni Karen Davila dahil sa reaksyon ng huli nang malamang pareho sila ng birthday.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?