1,023

Jan 3, 2022 @ 21:10
By

Netizens panic buying ng Biogesic

Trending ngayong Lunes ang Biogesic at iba pang paracetamol brand.

Ayon sa mga netizen, nagkakaubusan umano ng gamot para sa sipon, ubo at lagnat sa mga botika.

Sabi ng ilan sa mga ito, matapos ang holiday season ay flu season naman daw ang nararanasan sa bansa kaya pinag-iingat ang publiko.

“Nasa suking pharmacy ako kanina, around 4pm. Sobrang haba ng pila. Out of stock ang Biogesic and other similar meds for cough and cold. Madidinig din sa kwentuhan ng mga nakapila na galing sila sa kabilang branch and all 4 branches near my place are experiencing same situation,” ani @OopsMTG.

“Paracetamol (biogesic and bioflu) are sold out now in many drug stores. Keep safe everyone,” sambit ni @UpdatesforBTS.

“It’s biogesic and bioflu season,” react ni @hellobianxa_.

“I just went to mercury kahapon and halos lahat ng customers are buying either biogesic, bioflu, strepsils, neozep, bactidol, etc. Stay safe everyone. We don’t know if it’s just a seasonal flu or covid,” comment naman ni @carlie_olazo18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,