107

Jun 23, 2022 @ 15:12
By

Netizens naiyak sa pamamaalam ni Yilmaz kina Lorin, Venice

Naiyak ang mga netizen sa ibinahaging video ni Ruffa Gutierrez ng pamamaalam ni Yilmaz Bektas sa mga anak nila.

Matatandaang makalipas ang 15 taon ay nangyari ang emotional reunion nina Lorin at Venice sa kanilang ama sa Istanbul.

12 araw na nananatili sina Lorin at Venice sa piling ng ama.

Makikita sa video na ibinahagi ni Ruffa sa Instagram ang paghatid ni Yilmaz sa mga anak sa airport pabalik sa Pilipinas.

Hinalikan at niyakap ni Yilmaz nang mahigpit sina Lorin at Venice, kung saan nakiyakap na rin ang half-sister ng dalawa na si Ilknaz.

Comment ng mga netizen:

“So touching.”

“Ka iyak naman.”

“Nakakalungkot na nakakaiyak.”

“Huhuhu nakakaiyak sana po miss ruffa magkabalikan napo kayo for the kids.” (IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?