766

By

Netizens nagulantang sa ginawa ni Paolo Contis sa baby nila ni LJ

Sharing is caring!

Hindi magkamayaw sa pagkokomento ang followers ni Paolo Contis matapos nilang mapanood ang video nito habang hawak ang bagong silang na anak nila ni LJ Reyes.

Ipinanganak ni LJ si Summer Ayanna noong January 4.

Sa kanyang Instagram in-upload ni Paolo ang isang video kung saan makikita ang kakaiba nitong pagpapaaraw kay baby Summer Ayanna.

“Sorry anak! I just had to! #SummerAyannaContis my Little #LionQueen sorry nainitan ka kanina nung pina arawan kita anak ha! Don’t worry, bukas sa gabi kita papa arawan para hindi mainit!! Ano daw????,” ang nakakatawang caption ni Paolo.

Good vibes naman ang hatid ng video sa netizens.

“Watched on repeat like 10x jusko! Such a funny dad.. Your daughter is so lucky to have you @paolo_contis Congratulations and enjoy the baby!”

“Hahaha ang benta.”

“Hahahaha kulit ni paolo.”

“Lodi tlga sa kalokohan.”

“Kakagoodvibes. Sarap sarap ulit ulitin.”

“Hahaha nakakatawa tlaga tong si paolo.”

“Hahahaha congrats idol.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?