244

Jan 5, 2022 @ 19:46
By

Netizens nagkagulo sa Star City

Trending sa Twitter ang amusement park na Star City.

Ito’y matapos ianunsyo ng Star City ang kanilang pagbabalik sa January 14, 2022. Bukas ito araw-araw ng 2-10PM.

“The long wait is finally over! Star City will be reopening this January 14, 2022! Tickets may be purchased at the gate. We will be announcing soon how tickets may be purchased online,” saad ng Star City sa Facebook post.

Matatandaang nagsara ang Star City noong 2019 matapos masunog ang 80% nito.

Ilang netizen ang na-excite sa muling pagbubukas ng sikat na amusement park ngunit may ilang nag-aalala dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa nitong 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?