1,849

By

Netizens nabuwisit kay Freddie Aguilar sa pagtanggol sa China

Nag-init ang ulo ng maraming netizens sa pahayag ng tatakbo sa pagka-senador na si Freddie Aguilar tungkol sa China.

Sa programa kasi sa dzbb, kinilatis at kinilala ang kapwa senatoriables na sina musician Freddie Aguilar at Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano.

Sinabi rito ni Aguilar na walang dahilan ang mga tao para matakot sa China dahil wala umano itong record ng pagkamkam ng lupa ng ibang bansa.

“Ang maganda po sa China, wala po silang record ng talagang pangangamkam ng lupa na may lupa. Sila po ‘yung kinamkam noong araw. So hindi po ako natatakot sa mga Chinese. Bago dumating ang mga Kastila, ka-negosyo na natin ang mga Chinese,” sabi ni Aguilar.

Kinontra naman ito ni Alejano at sinabing, “Ang isyu sa China ay hindi lamang ngayon, nagsimula ‘yan sa panahon ni Marcos. Walang history ang China ng pananakop, itong ating Scarborough Shoal, itong Spratlys ‘yan ang history, ‘yan ang pananakop sa atin.”

Dahil sa pahayag, kinuyog ng kritisismo si Aguilar mula sa netizens.

“Tagal tagal na ni freddie aguilar na kumakanta ng kantang makabayan pero hindi pa niya alam kung kailan nagsimula yung problema sa wps.”

“Bobo ng sagot ni Aguilar. Boto nyo yan, mga tanga para lalo kayong maghirap.”

“Shut up! ka freddie senador ang pinapasok mo hindi pag concert.utak ang laban at bansa ang nakasalalay.”

“Freddie, sa musika ka nalang. Please, we respect you as a musician but please wag ka ng pumasok sa politika.”

“Sabi ni k freddie wala daw syang alam na kinamkam na lupa sa pilipinas ang mga intsik,,, bulag,pipi at bingi ka nga ,hahaha.”

“Di ko iboboto yan si Freddie Aguilar, sa pagsagot lang niya halata mo nang walang maiambag na maganda… sa musika na lang siya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?