382

Dec 23, 2017 @ 18:03
By

Netizens ‘naaksidente’ sa alindog ni Rhian

Bulabog agad-agad ang social media sa pinost ni Eva Evaristo (celebrity hairstylist) na sexy photo ni Rhian Ramos para sa promo ng TOTGA (The One That Got Away), ang aabangang show ng GMA 7 sa 2018.

Makakasama ni Rhian sa TOTGA sina Lovi Poe, Max Collins at Dennis Trillo. Pati na sina Jason Abalos, Ivan Dorschner, at Migo Adecer. Pero sa ngayon, si Rhian pa lang ang naglalabas ng mga seksing photo niya.

‘Malala’ ang kaseksihan, deskripsiyon ng kalalakihan. Na sa totoo lang, sobrang seksi naman talaga ni Rhian.

Bumagay ang silver bikini sa kaseksihan niya at sa kulay niya. At halos masilip na nga ang hindi dapat masilip dahil sa kitid ng bikini niya, ha!

“My excitement’s building up as the promotional materials for #TheOneThatGotAway slowly start coming out feeling so blessed to be working with and be part of the passionate, happy team behind it ♡
Kung nababasa niyo to, i love you #TeamTOTGA!” say lang ni Rhian.

Anyway, dahil sa sexy photo na ‘yon ni Rhian, nalaglag sa mukha ng isang netizen ang iPad na hawak niya. Nakahiga kasi siya habang tinitingnan ang sexy photo na ‘yon ni Rhian.

May nagkuwento rin na kakatingin niya sa sexy photo na ‘yon ni Rhian habang naglalakad siya, nadapa siya, dahil may malaking bato pala sa harap niya.

Well, ganyan kabagsik si Rhian, ha! Kung ano-ano ang nangyayari na aksidente, na minor lang naman, at dahil lang sa alindog niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?