152

Oct 6, 2021 @ 21:01
By

Netizens na-high blood kay AJ Raval: Huwag pangarapin maging kabit!

Hindi natuwa ang ilang netizen sa pagpayag ng bagong pantasya ng bayan na si AJ Raval na magpaligaw kay Aljur Abrenica.

Matapos ngang aminin ni AJ ang panliligaw sa kanya ni Aljur ay katakot-takot na sermon ang inabot niya sa mga netizen.

Marami ang nagsabing bakit papayag si AJ na maging kabit ni Aljur.

Matatandaang ikinasal sina Aljur at Kylie Padilla noong 2018 na nauwi sa hiwalayan. May dalawa na silang anak.

Eden Sadia: “Dapat nag iisip din Aj, kong yong asawa nga, sobrang ganda iniwan, baka gawin din sayo yan. Isip isip pag may time.”

NhoySue Idaloy: “Dina sila naawa sa mga masasaktan nila. Lalo na mga bata. Hindi rin nag iisip ang babaeng ito.”

Yani Clark Grande: “Uso na ba tlga ngayon ang sumalo sa mga tira tira, khit alam may asawa oh ka live in partner na ang lalake. Bakit ang daming babaeng ganurn. Dami namang single na lalake bakit don pa tlga sa taken na.”

Cyrene Kaye: “Kahit landing landi ka na sa buhay, wag na wag mong papangarapin maging kabet. hahahahahahaha sa daming lalaki sa mundo bakit kayo pumapatol sa may asawa’t anak na? hindi niyo man lang inisip yung mga anak nila.”

Ryan Agawin Lapus: “Cyrene Kaye Ahhhh high blood..”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?