42

Oct 16, 2021 @ 15:49
By

Netizens badtrip! Converge bagsak sa ilang lugar

Nakaranas ng connectivity issues ang ilang subscriber ng internet provider na Converge ngayong Sabado na nagpa-badtrip ng mga netizen.

Ayon sa ulat, ang mga subscriber ng Converge mula sa Cavite, Taguig, Hilaga at Gitnang Luzon, at Bicol Region ang hirap makasagap ng internet connection.

Kaya naman tinadtad ng mga naiinis na netizen ang official Facebook page ng Converge.

“Paano makakapag relax, sabadong-sabado walang internet sa Laguna,” saad ng isang nagkomento.

“Balagtas bulacan wla parin lol,” dugtong pa ng isa.

“Unfair bat sa iba meron na samin kahapon pa wala,” wika pa ng isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?