122

Jan 20, 2021 @ 18:21
By

Netizen tinaniman mga butas ng kalsada

Viral sa Facebook ang post ng isang netizen kung saan makikitang tinaniman niya ang butas-butas na kalsada nila sa Novaliches, Quezon City.

“Flex ko lang garden ko. Sana all eco friendly yung kalsada,” caption ng netizen na si Glen Cui Infante.

Sa isang ulat sinabi ni Infante na naisipan niyang taniman ang mga butas sa kalsada na matatagpuan sa West Los Angeles St., sa California Village dahil mahigit isang taon na itong hindi nagagawa.

Umaasa siyang matapos mag-viral ang kanyang post ay aayusin na ng mga kinauukulan ang kanilang kalsada.

Humakot na ang post ng mahigit 16,000 reactions; 20,000 shares at 1,300 comments habang sinusulat ito.

Flex ko lang garden ko. Sana all eco friendly yung kalsada.

Posted by Glenn Cui Infante on Monday, January 18, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?