117

Oct 12, 2020 @ 18:18

Netizen nangilabot! Boses ni Lloyd Cadena narinig sa vlog ng ina

Trending sa Twitter nitong Lunes ang namayapang YouTuber na si Lloyd Cadena matapos umanong marinig ang boses niya sa background habang nagsasalita ang kanyang ina sa isang video.

Sa vlog ni Lorita Cadena noong Linggo, sinagot niya ang mga tanong ng mga fan tungkol sa iniwang YouTube channel ng kanyang anak.

“Yung channel ni Lloyd walang nang mag-post dun kasi channel niya naman ‘yun at saka panoorin n’yo na lang ‘yung mga lumang video dun para ‘di naman very lonely. Makikita n’yo pa rin siya sa mga lumang video,” sabi ni Lorita sa sarili niyang YouTube channel.

Sa comment section, maraming nakapanood ang nagsabing narinig nila ang boses ni Lloyd na tumawag ng “ma” at sinabing “nahihirapan nako.”

Pero may ibang netizen ang nagsabing kapag pinakinggang maigi ang video, maririnig ay boses ni Lorita.

 

 

Panoorin ang buong video:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?