64

Mar 9, 2020 @ 14:49
By

Netizen nanghingi ng tulong para sa buntis na kapatid

Tatlong bag ng dugo ang pinananawagan ngayon ng isang netizen para sa kanyang kapatid na nakararanas ng abnormalidad na ectopic pregnancy.


Ang ectopic pregnancy ang tawag para sa pagbubuntis na nabubuo ang fetus sa labas ng matres. Pwede itong nasa obaryo, cervix, sa loob ng tiyan.

Sabi ni obstetrician-gynecologist Dr. Diosdado Mariano sa ulat ng ABS-CBN News, minsan nananatili sa fallopian tube ang fertilized egg at ‘di bumababa sa matres kung saan ito dapat lumaki. Dahil mas maliit ang fallopian tube kesa sa matres, pwede itong pumutok habang lumalaki ang fetus.

Dulog ni Twitter netizen Carlo (@tenortwooooo), kailangan ng kapatid niya ng tatlong bag ng dugo mula sa alinmang blood type. Naka-confine ito ngayon sa Ospital ng Sampaloc sa Maynila.

Wala rin anila silang sapat na pera kaya humingi na siya ng tulong online.

“Pag hindi natuloy ang operation, delikado ang lagay ng kapatid ko at nung baby nya,” lahad ni Carlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?