344

By

Netizen ‘nabara’ sa mungkahing ipamudmod ng PCSO ang jackpot sa Ultra Lotto

Sharing is caring!

Pinatulan ng mga netizen ang tweet na ito sa social media ng may username na @axxsalem noong Oktubre 9.

Ayon kay @axxsalem kung bibigyan ng tig-isang milyon ang bawat pamilya sa Pilipinas, wala pa sa kalahati ang jackpot prize, at maaari aniya na maging sagot pa ito sa kahirapan.

Mababasa naman ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizen sa tweet na ito, at sinabihan pa ang nag-post na bumili ng calculator.

Kung bibilangan ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na umabot na sa higit-kumulang P1.2B at bilang ng populasyon ng Pilipinas, maaaring umabot lang sa tig-sampung piso ang maaaring maibigay sa bawat isang Pilipino.

Hindi pa kasama sa bilang ang 20% tax na ibabawas sa jackpot dahil hindi na tax-free ang lahat ng mapapanalunan sa lotto simula pa noong Enero 2018, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?