210

Jul 18, 2019 @ 21:57
By

Netizen na-shock nang makita ang putol niyang binti sa kaha ng yosi

Nagulat ang isang 60-anyos na lalaki nang makita sa kaha ng sigarilyo ang larawan ng putol niyang binti na hindi pinaalam sa kanya.

Naka-display ang naturang putol na binti ng lalaki na taga-France, sa EU cigarette packets, na may mensaheng “smoking clogs your arteries”.

Hindi umano dahil sa paninigarilyo kaya naputulan siya ng binti kundi dahil sa naranasan niyang 1997 assault sa Albania.

Nakikipag-ugnayan na ang abogado niya sa European Commission tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?