88

Jul 5, 2022 @ 13:51
By

Netizen inokray ‘pagpapa-cute’ ni Bea: Awat na!

Marami ang nagpayo sa Kapuso actress na si Bea Alonzo na tigilan na nito ang pagpapa-cute.

Sa Facebook page na Fashion Pulis, ipinost nito ang screenshot ng larawan ni Bea at ng nobyong si Dominic Roque na nasa eroplano.

Mapapansin kasi na naka-nguso o duck face ang aktres sa naturang larawan.

Ayon sa mga netizen, hindi na umano bagay kay Bea ang magpa-cute lalo na sa kanyang edad ngayon.

“Tigilan na sana niya pacute na pose. Hindi na bagay sa age natin, girl,” komento ng isang netizen.

“Awat na sa duck face tita,” pahayag naman ng isa.

“Jusko bea. d tlg bagay sayo magpa cute. awat na please,” hirit ng isa pa.

**https://www.youtube.com/watch?v=73jaikV3fgc

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?