51

Apr 23, 2021 @ 14:50
By

Netizen gusto ng lechon, alak sa birthday pantry ni Angel

‘Birthday pantry’ at hindi birthday party.

‘Yan ang tugon ni Angel Locsin sa isang netizen na humiling ng lechon, spaghetti, pansit pati alak sa itinayong community pantry ng aktres para sa kanyang kaarawan.

“Ate Angel sana sa community pantry mo merong lechon, spaghetti, pansit at alak.. Kung pwede lang naman,” saad ng netizen.

Sumagot naman si Angel at sinabing hindi party ang magaganap kaya kahit cake ay wala silang ipamimigay.

“Lol sana, though birthday pantry po ito, hindi po birthday party. wala ring pong cake at lobo na ipamimigay,” ayon kay Angel.

Nitong Biyernes ay dinumog ang community pantry ni Angel sa Quezon City, kung saan nagtulong-tulong ang mga barangay tanod at QC Task Force Disiplina para maisaayos ang pamamahagi ng ayuda sa mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?