29

Nov 18, 2021 @ 16:43
By

Netizen feeling beauty queen sa bakuna

Todo effort ang isang netizen dahil sa araw ng ikalawang dose niya ay nag-gown pa ito at rumampa sa vaccination site.

Viral si Fern Pitacio bilang si “Miss Fully Vaccinated” na bonggang rumampa sa vaccination site sa San Mariano, Isabela upang magpabakuna na may suot pang pink long gown at korona.

“LuzvimindaExtravaganza is now Fully Vaccinated,” caption ni Pitacio sa ibinahaging video sa kanyang Facebook.

Ayon kay Pitacio, gusto niyang magbigay-aliw sa mga tao at mahikayat ang mga kababayan na magpabakuna na rin laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?