19

Feb 28, 2020 @ 17:46
By

Netherlands inanunsyo ang unang coronavirus case

Kinumpirma ng Netherlands ang unang kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa kanilang bansa.

Sabi sa pahayag ng Dutch National Institute for Public Health, isang lalaking naninirahan sa bayan ng Tilburg ang na-diagnose na may virus matapos bumisita sa Lombardy region sa Italy.

Sinailalim na sa quarantine ang lalaki para hindi na kumalat ang virus.

Nitong Pebrero 28, kumalat na sa mahigit 45 na bansa ang COVID-19 kabilang na ang U.S., U.K., Singapore, Italy, France, Russia, Spain at India.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?