58

May 18, 2020 @ 16:57
By

Netflix, Lazada dagdagan ng tax – Salceda

Mungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda na pagbayarin ng mas malaking buwis ang ilang digital service tulad ng Lazada, Netflix at mga advertisement sa Facebook.

Ayon kay House ways and means committee chairperson, ang mga tax na makokolekta sa mga ito ay pwede pangpuno sa P120-billion na nawalang kita ng gobyerno sa oras na bawasan ng 25-percent ang corporate income tax ng mga kompanya dulot ng COVID-19.

Sa ‘Netflix tax’, nais ni Salceda na mula 5 percent ay gawing 12-percent ang buwis na ibabayad ng digital streaming giant.

Sa ngayon kasi’y wala umanong kinukuha ang gobyerno na buwis sa mga subscription fee na sinisingil ng Netflix, maging ng music streaming application na Spotify.

Para naman sa Facebook ads tax, nais ni Salceda na gawin ang mga digital advertisement sa pamamagitan ng representative sa bansa ng Facebook at Google.

Ibabase niya umano ito sa modelong proposal ni 2018 Nobel Prize in Economics winner Paul Romer, kung saan ibabase ang ibabayad na buwis sa kung magkano ang nakukuha ng kompanya sa pag-display ng ads.

Para naman sa Lazada tax, ngayon ay tanging 50-percent lamang umano ang nagbabayad ng value added tax sa mga vendor ng online shopping platform.

Kaya’t nais ni Salceda na gawing witholding tax agent ang mga online platform sa kanilang mga supplier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?