47

Oct 9, 2017 @ 7:24

Net satisfaction rating ni Duterte sumadsad

Bumagsak ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 18 puntos third quarter, ayon sa ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Batay sa result ng survey sa third quarter ng SWS survey, nakakuha ng net satisfaction rating na +48 ang panglo, 18 puntos na mas mababa sa “very good” net satisfaction rating na +66 na naitala nito noong 2017.

Ito na ang pinakamababang record na naitala sa ilalim ng termino ni Duterte at unang net satisfacton rating na bumagsak sa +60 mark.

Isnagawa ang survey noong Setyembre 23-27 na may 1,500 respondents nationwide – 600 sa Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Ibinunyag din sa survey na 67% ng respondents ang nagsabing”satisfied” sila sa performance ng pangulo, 14% ang “undecided” at 19% naman ang “dissatisfied”.

Malaki ang ibinaba ng net satisfaction rating ni Duterte sa Visayas region kung bumagsak ito ng 30 puntos na sinundan ng 22-point drop sa Luazon at 19 puntos naman sa Metro Manila.

Samantala, bumagsak din ang net trust rating ni Duterte kung saan nakakuha ito ng +60 o “very good,” mas mababa ng 15 puntos mula sa +75 “excellent” na naitala nito noong nagdaang quarter.

Sabi sa survey, 75% ang nagsabing pinagkakatiwalaan nila ang pangulo, 15% ang “undecided,” habang 12% naman ang may “little trust” sa lider ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?