169

Nov 3, 2017 @ 9:32

Net 25 ng INC palalakasin

By JOE BARRAMEDA

May balita akong nasagap na palalakihin na ng INC (Iglesia Ni Cristo) ang Net 25 at plano raw nilang kumuha, kumontrata ng mga artista, (mamimirata?) na nasa ibang network na kapanalig nila. So, goodbye GMA 7 at ABS-CBN 2 na sila ‘pag nagkataon?

Kung totoo ito mukhang mahihirapan ang mga artistang INC, ha! Papayag kaya sila? Eh, paano kung maganda naman ang sitwasyon nila sa network na pinagtatrabahuhan nila ngayon?

Pero, kaya ba nilang sumuway sa kinasasapian nilang grupo? Mahirap ito, ha!

Pero, maging aral sana sa mga artista ang paglundag-lundag, na ginawa nila noon sa TV5 dahil sa mga nakakasilaw na offer, pero ano ang nangyari sa kanila ngayon? Wala na at bumalik na rin sila sa mga pinanggalingan nila.

Naku, sino-sino ba ang mga artistang kasapi ng INC? Si Gladys Reyes.

INC producer na ng pelikula

Maraming nagandahan sa indie movie na Guerrero nu’ng mag-red carpet screening ito sa SM Megamall. Lahat ng nakapanood ay puro positive ang sinasabi kahit mga baguhan or walang mga sikat na artista ang cast lalo na ang gumanap na bata na first time raw gumawa ng pelikula.

Ang direktor ng pelikula na si Carlo Ortega na ang unang pelikula niya na Walang Take Two ay tumanggap ng mga international recognition ay gulat din sa response ng mga nanood. Bale pangalawa niyang pelikula ito.

“Kumbaga talagang hindi po namin in-expect! Kasi nu’ng ginagawa namin ‘yung pelikula ang target lang namin na audience is, kumbaga maliit lang po na audience dahil indie.

“Tapos sabihin nating naging successful ‘yung film kaya napagdesisyunan po ng mga head ng INCinema (film arm ng Iglesia Ni Cristo) na isali siya abroad. At nanalo po,” tsika pa ni Direk Carlo.

Bida sa pelikula sina Genesis Gomez (Ramon Guerrero na isang struggling boxer) at Julio Cesar Sabenorio bilang nakababatang kapatid ni Ramon na si Miguel.

Sa panahon ngayon, nakikipagsabayan na sa box-office at awards ang mga indie films sa mga mainstream movies. Mas gusto ni Direk Carlo na huwag ibahin ang category ng indie at mainstream. Matatalino na raw ang manonood.

Sementeryo nag-flop

Binagyo ang All Saints’ Day ngayon, kaya ang ilang sementeryo ay flop. Naranasan na namin noon ang pagpunta sa sementeryo na punong-puno ng putik dahil sa pag-ulan.

Mabuti na lang at cremated ang mga labi ng mga namayapang kamag-anak at hindi sa mga sementeryo nakalagak. Nasa mga Crypt ng simbahan madalas ang himlayan ng mga abo ng namayapa.

Meron din naman sa mga sikat na memorial park gaya ng Loyola at Manila Memorial Park. After Undas ay balik-trabaho na lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?