14

Aug 2, 2021 @ 13:37
By

Nesthy Petecio kay Carlos Yulo: Kahit anong mangyari, proud kami sa’yo

Idinaan sa selfie ni Pinay boxer Nesthy Petecio ang kanyang pagbibigay ng “good luck” kay gymnast Carlos Yulo para sa laban nito ngayong Lunes.

Makikita sa tweet ng 29 anyos na atleta ang litrato nila ni Yulo sa Tokyo, Japan.

“Kaway kaway! With bunso, @c_edrielzxs good luck and God bless bukas champ! Kahit anong mangyari, Proud kami sayo tandaan mo yan!!” sambit nito sa kanyang tweet kasama ang #labanpilipinas at #push.

Nakatakdang sumabak muli si Yulo sa vault finals ngayong Lunes samantalang sa darating na Martes naman ang laban ni Petecio kay Sena Irie ng Japan kung saan tatangkain niyang sungkitin ang gold medal para sa women’s featherweight category.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?