94

Aug 3, 2021 @ 18:36
By

Nesthy Petecio inulan ng mga regalo

Gaya ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz, bumuhos din ang mga reward kay Nesthy Petecio matapos umukit ng kasaysayan bilang unang Pinay boxer na umiskor ng silver medal sa Olympics.

Kabilang sa mga regalong matatanggap ni Petecio ang lifetime pasahe sa eroplano ng Philippine Airlines (PAL).

Nangako ang PAL ng 60,000 Mabuhay Miles kada taon para kay Petecio, na katumbas ng apat na roundtrip domestic flights; dalawang roundtrip regional flights o isang roundtrip flight sa Australia, Middle East o Honolulu.

“Your silver win showed the heart of a strong Filipina to the world! Thank you for making the country proud,” sambit ng PAL.

Samantala, nangako naman ang Suntrust Properties Inc. ng condominium unit para kay Petecio na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Isang P2.5 milyong halaga naman ng house and lot sa Caliya, Candelaria ang alay ng Ovialand.

Inaasahan namang magbubulsa ang Pinay boxer ng P5 milyon sa ilalim ng “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” ng gobyerno para sa mga Olympic silver medalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?