45

Aug 3, 2021 @ 21:10
By

Nesthy kursunadang bugbugin beauty Irish boxer

Aminado si Filipino Olympic silver medalist Nesthy Petecio na sumagi sa isip niya na umakyat sa pro boxing.

Ito ay dahil gusto niyang makalaban ang magandang boksingerang si Katie Taylor ng Ireland.

“I wanted to try it, actually, because I want to fight Katie Taylor of Ireland,” sambit niya sa Philippine Sportswriters’ Association Forum ilang oras matapos ibigay ang silver medal sa Pilipinas nang matalo kay Sena Irie ng Japan.

Tingin ni Petecio, maka-sparring lang si Taylor ay amazing experience na para sa kanya.

“She’s an Olympic Champion, a World champion. She has won several belts already,” patuloy ni Petecio.

Sa ngayon ay nakatanaw umano si Petecio sa 2024 Paris Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?