64

Aug 1, 2021 @ 9:56
By

Nestea papansin kay Nesthy

“Nestea is with you, Nesthy!” Ito ang saad ng sikat na inumin sa kanilang Facebook post para ipakita ang kanilang suporta kay Pinay boxer Nesthy Petecio.

“Good luck, Katukayo! 😉

We and the rest of the Filipinos are cheering you on! You got this! 💪” saad nila sa kanilang caption sa FB.

Kahapon, hinarap ng 29-anyos na atleta si Irma Tesla ng Italya at kung sino ang magwagi sa naturang laban ang siyang may tsansang makasungkit ng gold medal sa finals ng Women’s Feather (54-57kg) category ng Tokyo Olympics 2020.

Tinalo ni Petecio si Tesla via split decision, 4-1 at nakatakda nang umabante sa finals sa Agosto 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?