11

By

Neri Oxman itinanggi ang relasyon kay Brad Pitt

Sharing is caring!

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang babaeng madalas daw ka-date ng Hollywood actor na si Brad Pitt na si Neri Oxman.

Sa isang interview ni Neri sa The New York Times, sinabi ng 42-year-old MIT professor na hindi raw sila nag-date ni Brad ever dahil may ibang lalaki siyang dine-date na si William Ackman.

Nagdesisyon na magsalita na si Neri tungkol sa issue with Brad dahil sinusundan daw siya ng mga paparazzi kahit sa labas ng MIT Media Lab.

Gusto lang daw niyang i-set ang record na wala siyang romantic attachment sa aktor para hindi na siya sundan ng paparazzi.

Noong April 2018 na-link ang name ni Neri kay Brad. Isang common friend daw ang nagpakilala sa kanilang dalawa dahil pareho raw ang passion nila for architecture.

That time din, nagte-take up ng sculpting classes si Brad bilang diversion niya sa paghihiwalay nila ng estranged wife niyang si Angelina Jolie.

Ayon sa isang source ng E! news: “They hit it off immediately and have been close for months. They have so much in common intellectually and truly enjoy each other’s company. Brad is thrilled to be around someone who isn’t all about Hollywood. He talks about her attitude toward fame and the A-list scene and he feels her apathetic view is refreshing.

“Brad’s friends were secretly hoping he was ready to date and everyone loves Neri. She is beautiful and smart and his friends feel he can’t go wrong.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?