40

By

‘Neneng’ labas na ng PAR, ‘Mangkhut’ bahagyang bumilis

Sharing is caring!

Nakaalis na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression na ‘Neneng’ nitong Martes, Setyembre 11, ganap na alas-5 ng umaga, ngunit nagbabadya na ang isa pang bagyo na lalong lumalapit sa bansa.

Sa paglisan sa PAR, nagtatangkang pumasok sa PAR ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maging super typhoon na ‘Mangkhut’.

Pag pumasok sa ‘Pinas, papangalanan na itong ‘Ompong’ na kasulukuyang nasa 1820 km silangan ng Timog Luzon, gumagalaw pakanluran sa bahagyang bumilis na 30 kph.

Patuloy pa rin ang lakas nito na may 160 kph sustained winds at gustiness na aabot sa 195 kph.

Sa mga unang report, inaasahang papasok ito sa bansa sa Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?