63

Mar 4, 2020 @ 15:38
By

Nene patay sa kagat ng tuta

Rabies ang nakikitang sanhi ng pagkamatay ng isang 16-anyos na dalagita makaraang makagat ng isang tuta habang nagja-jogging sa kahabaan ng M’lang, Cotabato.

Ayon sa report, nilibing na ang biktimang si Pinky Tuble sa araw ng kanyang kaarawan noong Lunes, Marso 2, 2020, at nadiskubreng rabies ang naging dahilan ng pagkamatay nito nang kagatin ng isang tuta habang nagja-jogging noong Disyembre 2019.

Nabatid na sumunod sa kanya ang isang tuta at kinagat ang biktima na pinagwalang-bahala umano at hindi pumunta sa ospital para magpagamot at sa halip ay sa tradisyunal na manggagamot ito dumulog.

Sinabi ng kaanak ng biktima na nitong nagdaang linggo lamang nakitaan ng sintomas ng rabies ang biktima nang dalhin sa pagamutan at hindi nila inasahan na magkakasakit ito at agarang papanaw.

Hinatid na si Pinky sa huling hantungan nitong Lunes, sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Sa ngayon ay nagsagawa ang Cotabato Provincial Health Office ng pagpapabakuna kontra-rabies sa lahat ng mga residente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?