156

By

Neil nakaiwas ma-friendzone kay Angel

Nag-post ng throwback photo nila ng kanyang fiancee na si Angel Locsin si Neil Arce.

Sa kanyang Instagram post nitong October 16, makikitang katabi ni Neil si Angel sa isang table na kung pagbabatayan ang kanyang caption, ay magkaibigan pa sila noong kunan ang litrato.

Ani Neil sa caption ng naturang larawan, nakatawid siya na ma-friendzone kay Angel.

“I crossed the friend zone,” sabi ni Neil sa caption.

View this post on Instagram

I crossed the friend zone Throwback 2011

A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on


June 29, 2019 nang mag-propose si Neil kay Angel.

January 1, 2018 nang mag-post si Angel ng litrato kasama si Neil at sinabing, “Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce excited to share my 2018 with you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?