454

Nov 18, 2021 @ 17:16
By

Neil laughtrip kay Angel

Pinagtawanan ni Neil Arce ang misis na si Angel Locsin dahil sa emergency nito sa ngipin.

Ayon sa aktres, dali-dali siyang nagpa-book sa GAOC Dental dahil naputol ang harapang ngipin niya.

Tawang-tawa naman ang mister niya sa dahilan ng pagkabiyak ng kanyang ngipin – dahil sa sobrang pagkagat o pagngatngat ng kanyang kuko!

“Booked an emergency @gaocdental appointment because last night, I chipped a tooth — due to excessive nail biting akalain mong possible pala yun yung asawa ko, pinagtatawanan ako,” kuwento ni Angel sa Instagram post.

“In less than an hour, good as new na Dr. Relyn @gaocdental Pwede na uling sirain. Joke.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?